THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Saturday, June 18, 2011

TARAY QUOTES






  1. Addie 17 – Back in college, I was walking along Mendiola when this manong came up to me out of nowhere and said: “Hi, beauty!” So I answered: “Hello, beast.”
  2. Diwata – During a wedding, an aunt asked me: “Kelan ka susunod?” I answered: “Tita naman, how would you feel kung magkita tayo sa burol and I asked you the same question?”
  3. Jen – “Hindi ko sinasabing maganda ako. Ang sinasabi ko lang pangit ka.”
  4. Mr. Perk – Girl to guy she doesn’t like: “Email me nalang at getlost@donttalktome.com”
  5. Forg – While studying a difficult lesson in school, a classmate told his groupmate: “I’m as confused as your sexuality!”
  6. RC and Cess – Sister ordered burger without lettuce. Burger served with lettuce. When she got mad, manager apologized and offered free side order. Sister: “Ang gusto ko lang, tanggalin ang lettuce, hindi yung binibigyan niyo ko ng kung anu-ano!”
  7. Hakunamatata – Girl1: “Bakit ang sama mo makatingin?” Girl2: “Eh ikaw, bakit ang sama mo tignan?”
  8. Arvie – “Pag nakikita kita, parang gusto ko mag-sorry sa mga mata ko.”
  9. Glenskie – “Diba pag pangit ka dapat nice ka?”
  10. Boknoi – Wife: “Bili mo kong bagong bra!” Husband: “Wag ka na mag-bra, maliit naman boobs mo eh.” Wife: “Eh bakit ikaw, nagbi-brief?”
  11. Xuxalera – After waiting in line so long at the toilet, when I was next in line, a girl approached me and said: “Miss, puwede sumingit? Naiihi na ko eh.” I told her: “Eh ano ba sa palagay mo ang rason kung bakit kami lahat nakapila dito?”
  12. Andee/Maymay – When someone told me: “Ang ganda mo!” I answered: “Sana ikaw din…”
  13. No name – Annoying classmate: “Guys, guys, saan kayo pupunta?” Kami: “Papalayo sa yo.”
  14. Foxmodem – I was an intern 3 years ago in a charity hospital about to circumcise a boy. The mom of the boy bought an ampule of local anesthesia but forgot to buy a syringe. The nurse told her: “Mommy, anong gagawin ko dito sa lidocaine, ibubudbod ko sa tit* ng anak mo?”
  15. No name – When we gave coins to a kid beggar, he said: “Hello, ni value meal di ako makabili nito!”
  16. Cootchiemhie – Boy: “Para akong lalagnatin.” Girl: “Eh di parang uminom ka ng gamot. Malay mo, parang gagaling ka.”
  17. C. Vanilla Ben – Boy: “Masarap?” Girl: “Bumili ka, para malaman mo.”
  18. No name – Girl sees a guy peeing against the wall: “Yuck, ang liit ng tit*, ang daming bulb*l!” Guy: “Ano gusto mo, maliit ang bulb*l at madaming tit*?”
  19. Grace – When the cashier at the grocery said: “Miss, puwedeng kendi nalang ang sukli ko sa yo?” I told her: “Bakit, tsokolate ba ang binayad ko?”
  20. Andee – At a swimming pool. Officemate1: “I’m sure lulutang ka.” Officemate2: “Bakit, dahil payat ako?” Officemate1: “Hindi, dahil plastic ka.”
  21. Arvie – Sa isang turo-turo. Customer: “Miss, may langaw sa arroz caldo ko!” Tindera: “Sa halagang limang piso, anong ine-expect mo, manok?”



Sunday, June 12, 2011

I'm Back!



Dang! Almost three months na pala kong hindi nakapag add ng entry dito. Nakakamiss sobra! Nalagpasan ko pala ang birthday ko, ang Holy Week, ang Binibining Pilipinas 2011, America's Next Top Model, American Idol, at ang muli kong pagbabalik-trabaho. Ang daming nangyari sa buhay ko sa nakalipas na halos tatlong buwan. Sayang lang at hindi ko sila na-share in real time. Pero may kasabihan nga tayo: "Better Late Than Never". Kaya ngayon iisa-isahin ko ang mga bagay at pangyayaring nabanggit ko.

My 24th Birthday. Dito lang sa bahay ginanap ang birthday ko with my family and relatives. Spaghetti ang handa ko.

Holy Week. Ako lang mag-isa ang naiwan dito sa aming compound kasi lahat sila pumunta sa Batangas. Okay naman kahit mag-isa lang ako kasi namiss ko din mag spend ng Holy Week dito sa bahay kasi for the last three years, sa office at province ako nag spend ng Holy Week.

American Idol. Si Haley talaga pinaka bet ko kaso hanggang top 3 lang xa. Wala namang problema sakin na naging top 2 sila Scotty and Lauren. I love them both. They can really sing well. Scotty is so adorable and Lauren is such a funny girl. Kaya naisip ko, "I wont mind whoever wins". And the new AI is Scotty.

My New Work. I am now working again. Sa call center pa rin. So far so good naman. And I'm lovin it so much.

So that's it for now. And I will try my best na makapag add ng entry as much as possible. Thanks! =)















Wednesday, March 16, 2011

Ambaho!







Ang dami ko kinain kanina, kumain ng mangga, piyaya, chocolates at buko ice candy, barbecue at pizza.... ano bang nakakautot sa mga yan?? grabe e.. utot talaga ko ng utot.. hobby ko na nga kanina eh..

Merong nagsabi sa akin na madaming klase ng utot?Pero ako merong alam na pitong klase lamang. Merong utot na walang amoy, utot na mabaho, utot na malakas, utot na mahina, utot na makapal, utot na may kasama, at utot na blue.
Hmmm...himay himayin natin at alamin sila...

Ang utot na walang amoy.Pinaka-safe sa lahat ng utot, lalo na pag wala itong tunog na maririnig ng ka date mo.

Ang utot na mabaho.Itong utot na to, delikado kasi pahamak to. Nakakahiya pag umutot ka ng ganito lalo na pag dalawa lang kayo at sigurado yung isa na hindi sya ang umutot!

Ang utot na malakas.Pahamak din tong utot na to kasi hindi mo mapagkaka-ilang ikaw ang umutot. Kadalasan ang utot na ito ay walang amoy kahit na malakas ang tunog.

Ang utot na mahina.Ang utot na mahina ay mas ok kesa sa utot na malakas dahil pwede ka pang makalusot na kunwari ay hindi ka umutot. Pero yan e kung utot na walang amoy ang kapartner nya. Ngunit, ang utot na mahina ay kadalasan, isang malaking pasabog ang amoy.

Ang utot na makapal.Ito ay subclass ng utot na mabaho. Pero di katulad ng karamihan sa mabahong utot na sandali lang e wala na lalo na pag hindi kulob ang lugar, ang utot na makapal ay parang ayaw kang lubayan o parang nakasuspinde lang sya sa ere. Dahil makapal ang utot na to, may tendency itong kumapit sa damit mo parang usok ng yosi at madadala mo ito kahit saan ka magpunta. Nangyari na sakin yan. Habang nag-aantay ako ng elevator, umutot ako. Pagpasok ko ng elevator, aba, mantakin nyong sinundan ako ng utot! Buti nalang magaling ako magpanggap at kunwari e may naamoy akong mabaho at sabay sabi ko “Bat ambaho?”.

Ang utot na may kasama.Ito ang pinakabadtrip at delikado na utot sa lahat. Mahina man o malakas, mabaho man o hindi, mabwibwisit ka kasi kakailanganin mo ng magpalit ng brief o panty pagnangyari to. Makakarelate dito yung mga madalas magka LBM.

Ang utot na blue.Hindi ko alam kung san to nagmula pero, ilang beses ko tong narinig. Pero ni minsan e hindi ko nakita. Baka kathang-isip lang ang utot na to. Madalas maririnig mo to sa mga grupong nag-aasaran. Maya’t maya maya sumisigaw ng “Utot mo blue!!!”.

Kayo? ano klaseng utot alam nyo? ano klase ang utot nyo?