THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Monday, February 28, 2011

Anong Klaseng Champorado Ka?


Minsan may kaibigan ako na nag nagtanong sakin na bakit may mga lalaking gago.

...ang sabi ko, ang mga lalaki parang champorado.

'Di ko alam kung ano ang iniisip ko non at nasabi ko yun. 'Di naman ako kumakain ng champorado nang mga panahong yon. 'Di ko naman paborito ang champorado. Pero natutuwa ako lalo na't maganda ang pagkaka-twirl ng gatas sa ibabaw nito. Bukod don, wala naman akong espesyal na pag ka akit sa champorado...'di naman kami close. Pero yun ang ginawa kong analohiya para ma-liwanagan at ma pawi ang lungkot ng kaibigan ko. siguro tulad ng isang mainit na champorado kapag bumabagyo at malamig ang panahon.

So, ganon na nga...ang mga lalaki, parang champorado.

O, pwede mong makita ang iba't ibang klase ng mga lalake sa pamamagitan ng champorado. 'Di ko talaga alam kung bakit champorado ang naisip ko. .

May mga champorado (read: lalaki) na matabang.
Yung tipong kelangan mo pang lagyan ng gatas at tantsa-tantsahin kung sakto na ba sa panglasa mo yung tamis. Sa isang banda, ok lang naman yung matabang kasi yung ibang tao, gusto yung sila mismo nag titimpla. Iba iba din kasi tipo ng mga tao. Yung iba gusto yung sobrang tamis. Oo nga masarap nga ang matamis, pero pag tagal tagal, sasakit ang ngipin. At ma-rerealize mo na shet, dapat di puro matamis eh. Nakatago kasi sa sarap at tamis yung mga imperfections kadalasan. Sa sobrang tamis, di mo na napapansin na sobra pala pagkaluto nung bigas. O kaya naman, para lang di mapansin yung labnaw nung champorado, tinatamisan nalang. Mahirap mapaliwanag ang mga tao, kaya yung ibang nagluluto ng champorado, tinatabangan nalang.
Pero, meron ding ibang appeal at sense of fulfillment kapag na transform mo yung matabang na champorado at nahuli mo yung saktong sarap niya.

Asahan mong kapag ang gatas sa champorado ay sobrang perpekto ng pag kakabilog sa ibabaw nito o kaya eh parang kumokorteng bulaklak ang gatas, eh baka alanganin ito. yung may saboy pa ng cinnamon at dark chocolate. aba, di na champorado ito...metrosexual na champorado o kaya eh talagang champorada na ito...may mga babaeng type ang mga ganitong malalanding mga champorado.

Ang mga champoradong malabnaw...
maingay...higupin. Ang mga ganitong champorado, parang walang laman. puro ingay lang. di mo mararamdaman ang laman dahil paghigop mo eh diretso na sa lalamunan. sabagay, kung ganito ka labnaw ang champorado mo at wala ka nang magawa. sikmurain mo na nga lang. malamang di ito ginamitan ng malagkit na bigas ng nanay niya.

Champoradong malapot naman, ayos sana...wag lang sosobra sa lapot.
pag sobra kasi sa lapot mahirap pakisamahan...
parang ayaw magpakain.
didikit sa kutsara yan, sa mangkok, at kung saan saan.
gusto niya siya ang bida...pahihirapan ka talaga.

Konti lang naman ang klase ng champorado eh...nagiiba lang din kung anong panahon mo ito kakainin, tsaka sa temperatura nito.
May maputla, meron ding sunog na champorado.
May mainit, may sobrang lamig naman.
pero eto...

Lahat ng champorado, ginamitan man ng malagkit na bigas o puro normal lang na sinandomeng...lahat ng champorado, may kulangot. Oo, kulangot. Sa ilalim ng cocoa, ng chocolate, may naka kubling kulangot. nag papanggap, naghihintay na matuklasan.
may maliit at di kapansin-pansin.
ang mga tulad nito, walang epekto dahil nasasapawan na ito ng sarap. pwede nang palagpasin.
pero meron ding malaki at malupit na kulangot.
yung mga tipong lumilitaw lang kapag patapos ka na, at sarap na sarap na sana sa pagkain.
tapos matutuklasan mo na may napakalaki pang champorado. at huli na ang lahat. huli na para mandiri dahil nakalahati mo na ang champorado mo. itutuloy mo pa ba ang pagkain? mag panggap na parang wala lang ito? magugulat ka ba at itatapon oraorada ang natitirang mangkok at isusuka pa ang nasa sikmura mo na?

lahat ng champorado, may kulangot. sa aking karanasan, mas mabuti pang ipakita na ang natatagong kulangot...ang natatagong baho, natatagong tabang at kung ano ano pang kapintasan. ipakita na kung anong klaseng champorado ka. bahala na kung may magkagusto, o kaya kung may magtitiis sayo.

sa mga kakain at may hawak na na champorado ngayon, sipat sipatin niyo na kung gaano kalaki ang kulangot nito. kung kulay berde ba ito, kung may buhok. amuy amuyin at tikman kung anong lasa nito. at sa pag tuklas mo ng mga kapintasan nito, isipin mo ng mabuti kung patuloy mo bang isusubo ito o hindi. kung kelangan bang dagdagan ng asukal, kung kulang sa lapot o sobra. kung dapat bang i-init ito, o hipan para lumamig ng konti.

tandaan mo din na kahit gaano kasarap ng champorado mo, may mga panahon na mag sasawa ka, masusuya ka. 'Di sa lahat ng panahon, masarap ang champorado. pero pag sigurado ka na at sinulat mo na ang initial ng pangalan mo gamit ang gatas sa ibabaw ng champorado mo, panindigan mo ito. At tanggapin ang katotohanan na lahat ng champorado, may kulangot.

piliin mo yung lasa at korteng kanin.
itapon mo yung mabaho at mabuhok.
basagin mo pa yung mangkok kung kailangan.

matuto kang makuntento.
matuto kang di makuntento.
huwag ka magtanga tangahan.

wag hayaang lumaki ang kulangot sa champorado.

ano ba yan? ..hehe...syanga pla, illusyon ko lang ang tungkol sa kulangot ng champurado, at baka hindi na kayo kumain nito. hehehehe!

Sunday, February 20, 2011

A Letter From Juliet



"Letters To Juliet" is now one of my favorite romantic movies after watching it last Valentine's Day. And there are lines that I really like in this movie. These lines are so nakakakilig and talaga namang nakakapag pa-inlove. They are the lines from Sophie's reply to Claire's letter after 50 years. Here it is:

Dear Claire, "What" and "If" are two words as non-threatening as words can be. But put them together side-by-side and they have the power to haunt you for the rest of your life: What if? What if? What if? I don't know how your story ended but if what you felt then was true love, then it's never too late. If it was true then, why wouldn't it be true now? You need only the courage to follow your heart. I don't know what a love like Juliet's feels like - love to leave loved ones for, love to cross oceans for but I'd like to believe if I ever were to feel it, that I will have the courage to seize it. And, Claire, if you didn't, I hope one day that you will. All my love, Juliet

So if you truly love a person, love him right now before it's too late. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng second chances.



Friday, February 18, 2011

Only Time Can Tell



May mga bagay na panahon lang ang makakapagturo sa'yo. Tulad ng kung gaano mo kamahal ang isang tao. Madalas, nalalaman mo lang kung gaano mo sya kamahal pag wala na sya sa'yo. And when you lose that person, you lose a part of yourself too. Umaasa ka na lang na sa paglipas ng panahon maibabalik mo kung anong nawala sa'yo. At kung hindi na maibabalik ang dati, babaguhin na lang ng panahon ang lahat ng bagay.

Pero bakit parang hindi binabago ng panahon ang puso mo? Bakit kahit alam mong tapos na ang lahat, pilit mong binabalikan ang simula. At lagi mong tinatanong:

Paano kaya kung mas minahal mo sya? Paano kaya kung hindi mo na lang sya minahal? Paano kaya kung hindi na lang kayo nagkakilala para mabura na lang sya sa alaala mo? Paano kaya kung noong nagkatagpo kayo, ibang tao ka; ibang tao rin sya; sa ibang pagkakataon, sa ibang lugar at sa ibang panahon...
Maiiba din kaya ang tadhana nyo? 
Kamay mo na ba ang hawak nya? 
Pangalan mo na ba ang bukambibig nya? 
Ikaw na ba ang nasa tabi nya? 
Ikaw na ba yung kayakap nya? 
Ikaw na ba ang dahilan ng mga ngiti nya? 
Kayo pa rin ba ang para sa isa't-isa? O ikaw pa rin ang dahilan kung bakit mas pinili nyang magmahal na lang ng iba?

Ang daming tanong noh? Kailangan ng tamang oras para masagot ang mga tanong na yan.

Wednesday, February 16, 2011

Mahal Mo Nga Ba Siya???

Mahal mo nga ba sya???
Message: Ito ang karaniwang tanong sayo ng mga kamag-anak, at kaiibigan mo. Pero higit sa lahat, ikaw lamang ang tanging nakaka-alam sa iyong damdamin. Sa bawat tanong ay may kaukulang sagot.

Mahal Mo Nga Ba SIYA???
Oo!!! Sa dalawang titik na ito ay parang napaka daling bigkasin. Sa bawat kilos o galaw maaaring ikaw ay magkamali at siya'y iyong masaktan.

Mahal Mo Nga Ba SIYA???
Ang pagmamahal ay isang bahagi ng iyong pagtitiwala sa iyong sarili at hindi pagtitiwala sa kahit sinuman. Maaaring gusto mong salungatin ang aking sinabi pero para sa akin, iyon ang tunay na pagmamahal.

Mahal Mo Nga Ba SIYA???
Sa lahat ng gustong magmahal, huwag nyong unahing isipin kung ano ang inyong makukuha sa taong gusto nyong mahalin. Isipin nyo kung ano ang inyong maibibigay, maiitutulong at higit sa lahat ay kung anong klaseng pagtrato ang kaya nyong ipakita sa kanya.

Respeto, ito ang tanging pundasyon patungo sa tamang pagturing sa kanyang pagkatao.

Pagtitiwala, upang kayo ay maging bukas sa bawat isa.

Makinig, sa bawat kwento at salita na galling sa taong minimahal mo, ito'y iyong pakinggan at baka bukas di muna muling marinig ang kanyang tinig.

Mahal Mo Nga Ba SIYA???
Hindi mo matanggap na wala na ang taong iyong minamahal. Galit ka sa kanya! Ngunit ang katotohanan na ikaw ay puno ng pagsisisi na siya ay iyong hinayaang mawala. Pero ano ang ginawa mo? Wala na siya! Magsisi ka man ay hindi mo na maiibabalik ang mga bagay na inyong nasimulan.

Tuesday, February 15, 2011

Love On The Net



I don't know what is it called, talking to someone on the net without meeting him in person. How does it feel when your heart wants to meet that person without really knowing anything much about him? Not knowing how he looks, but then again love never needed any eyes. Love is something of a miracle, a miracle that comes straight from your heart and desires to touch his heart. A miracle that happens to every human at least once in a lifetime. No one has ever escaped this miracle of love. One way or the other one has to fall inside this love. Will my love story ever get started? Will there ever be a chance that we will ever meet? Will he ever accept me as what I am? Love on the net is never easy, but love is there, and love is the life's biggest gift.



When We First Met







I don't think I have ever told him how I felt the first time we met. He was so cute and his eyes were so fascinating, I felt like I could lose myself in them.

I never use to believe in love at first sight, but that day when our eyes met, my heart raced and felt like it would burst out of my chest. It was like the home run feeling, that jump over the fence feeling. I was swept off my feet! And when he winked at me I felt like I couldn't breathe and my knees suddenly went weak. Immediately I fell in love. I knew then what love at first sight felt like; our eyes met and there was a connection, like a bond I felt uniting our heart. You will always be my first and greatest love. You will always live in my memory for all eternity.