THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Wednesday, March 16, 2011

Ambaho!







Ang dami ko kinain kanina, kumain ng mangga, piyaya, chocolates at buko ice candy, barbecue at pizza.... ano bang nakakautot sa mga yan?? grabe e.. utot talaga ko ng utot.. hobby ko na nga kanina eh..

Merong nagsabi sa akin na madaming klase ng utot?Pero ako merong alam na pitong klase lamang. Merong utot na walang amoy, utot na mabaho, utot na malakas, utot na mahina, utot na makapal, utot na may kasama, at utot na blue.
Hmmm...himay himayin natin at alamin sila...

Ang utot na walang amoy.Pinaka-safe sa lahat ng utot, lalo na pag wala itong tunog na maririnig ng ka date mo.

Ang utot na mabaho.Itong utot na to, delikado kasi pahamak to. Nakakahiya pag umutot ka ng ganito lalo na pag dalawa lang kayo at sigurado yung isa na hindi sya ang umutot!

Ang utot na malakas.Pahamak din tong utot na to kasi hindi mo mapagkaka-ilang ikaw ang umutot. Kadalasan ang utot na ito ay walang amoy kahit na malakas ang tunog.

Ang utot na mahina.Ang utot na mahina ay mas ok kesa sa utot na malakas dahil pwede ka pang makalusot na kunwari ay hindi ka umutot. Pero yan e kung utot na walang amoy ang kapartner nya. Ngunit, ang utot na mahina ay kadalasan, isang malaking pasabog ang amoy.

Ang utot na makapal.Ito ay subclass ng utot na mabaho. Pero di katulad ng karamihan sa mabahong utot na sandali lang e wala na lalo na pag hindi kulob ang lugar, ang utot na makapal ay parang ayaw kang lubayan o parang nakasuspinde lang sya sa ere. Dahil makapal ang utot na to, may tendency itong kumapit sa damit mo parang usok ng yosi at madadala mo ito kahit saan ka magpunta. Nangyari na sakin yan. Habang nag-aantay ako ng elevator, umutot ako. Pagpasok ko ng elevator, aba, mantakin nyong sinundan ako ng utot! Buti nalang magaling ako magpanggap at kunwari e may naamoy akong mabaho at sabay sabi ko “Bat ambaho?”.

Ang utot na may kasama.Ito ang pinakabadtrip at delikado na utot sa lahat. Mahina man o malakas, mabaho man o hindi, mabwibwisit ka kasi kakailanganin mo ng magpalit ng brief o panty pagnangyari to. Makakarelate dito yung mga madalas magka LBM.

Ang utot na blue.Hindi ko alam kung san to nagmula pero, ilang beses ko tong narinig. Pero ni minsan e hindi ko nakita. Baka kathang-isip lang ang utot na to. Madalas maririnig mo to sa mga grupong nag-aasaran. Maya’t maya maya sumisigaw ng “Utot mo blue!!!”.

Kayo? ano klaseng utot alam nyo? ano klase ang utot nyo?

Tuesday, March 08, 2011

Funny Yet Disgusting Filipino Slang Words






BAKTOL--- ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit,at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing sale sa mall dahil sa sobrang siksikan ng mga nag shosopping.

KUKURIKAPU--- libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. ang kukurikapu ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga. "Honey, maligo ka na kaya para maalis yang kukurikapu mo...

MULMUL--- buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng mulmul ang isang nunal. subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito. "How nice naman your mulmul!

BURNIK--- taeng sumabit sa buhok sa pwet. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang burnik ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. ipinapayo sa mga may burnik na maligo na lamang upang ito'y maalis. "Labs, alam ko kung anong kinain mo kanina!!!

BAKOKANG--- higanteng peklat. ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.

AGIHAP--- libag na dumikit sa panty o brief dahil sa labis na pagmamahal sa suot panloob. nabubuo ang agihap kung ang panty o brief ay nasuot na ng hindi bababa sa tatlong araw.

DUKIT--- itoy and amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit....try it to prove it thats dukit

WENEKLEK
 --- ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito. Ex. "Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila yung weneklek niya!"

BARNAKOL --- maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon

BULTOKACHI--- tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak

KALIKAMOR --- mga maiitim na libag na sumuot sa kuko kapag nagkakamot