Tuesday, March 08, 2011
Funny Yet Disgusting Filipino Slang Words
BAKTOL--- ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit,at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing sale sa mall dahil sa sobrang siksikan ng mga nag shosopping.
KUKURIKAPU--- libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. ang kukurikapu ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga. "Honey, maligo ka na kaya para maalis yang kukurikapu mo...
MULMUL--- buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng mulmul ang isang nunal. subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito. "How nice naman your mulmul!
BURNIK--- taeng sumabit sa buhok sa pwet. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang burnik ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. ipinapayo sa mga may burnik na maligo na lamang upang ito'y maalis. "Labs, alam ko kung anong kinain mo kanina!!!
BAKOKANG--- higanteng peklat. ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.
AGIHAP--- libag na dumikit sa panty o brief dahil sa labis na pagmamahal sa suot panloob. nabubuo ang agihap kung ang panty o brief ay nasuot na ng hindi bababa sa tatlong araw.
DUKIT--- itoy and amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit....try it to prove it thats dukit
WENEKLEK --- ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito. Ex. "Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila yung weneklek niya!"
BARNAKOL --- maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon
BULTOKACHI--- tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak
KALIKAMOR --- mga maiitim na libag na sumuot sa kuko kapag nagkakamot
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment