THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Wednesday, September 22, 2010

"Love"



It's all started from that word ad suddenly it gave birth to a million of things. .
Love- happiness, Completeness, colorful life, good changes, surprises, laughter, progressive outlook, hope, adventure  and a lots of good things that we humans really looking for. .

haaay. . ang sarap mainlove. . .oo nman!! kapag Puro iyan lang ang mararanasan mo. . kadalasan kasi. . .may hatak hatak yang "negative sides". .Totoong mararanasan mo ang good sides lahat yun kasama nga lang yung contradictions. Hindi ko alam kung magkakakambal sila pero sa tingin ko iyan ang sinasabing "balance of nature". Pero para sa mga readers na kahapon pa lang pinanganak at wala pang alam kundi maglaro. . .Huwag matakot magmahal ng totoo. . .Isipin na lang natin. . walang trill kung walang Nega. .ingatan na lang natin. . .Pano?.. . wag na wag ipaglalaban ang pride!!

Masarap gumising sa umaga na sa unang paglanghap mo ng Oxygen ay nakapagpasalamat ka sa Diyos at sa Paghinga mo ng Carbon dioxide ay "siya" ang naisip mo.. .Na agad na susundan ng malaking ngititi kahit na hirap mo pang ibuka ang bibig mo dahil sa baho at sa nanuyong laway sa gilid ng iyong pisngi. . .May mga muta man namuo o wala sa iyong mga mataay di ka pa din didilat dahil dahil pilit mo munang iisipin ang muka "niya". (Lalong mag-i-stretch ang ngiti) Saka ka pa lang magkakalakas na bumangon sa iyong hinihigaan (pero mauuntog ka dahil nakalimutan mo palang dumilat. . ayan mulat na) Hihinga, ngingiti,magpaplano kasama nya, maglalakbay,mauuntog at magigising sa katotohanan.

Oo! ito nga iyon, mangangarap ka ng gising at sa mga pangarap na iyon na hinabi ng pag-ibig ay matutuklasan mo ang saysay mo bilang tao na binigyan ng damdamin; ang umibig.

Mahirap i-describe ang pag-ibig, napakahirap. . .Definition palang na pinapasa ng mga friends mo. .eh hindi na kakayanin ng inbox mong may 500 messages capacity. .
Napakagandang topic, kinahihiligan ng lahat. .Pero kung hihimay himayin ang bawat parte ay mahirap simulan. . mabigat sa isipan (wew?) Talagang mahirap isipin dahil ang pag-ibig ay wala sa isip kundi nasa puso. (Para sa mga taong pilit ginagamit ang utak sa pagmamahal. . kaya laging nasasaktan)

Ang pag-ibig ay wala sa hangganan na maabot ng karunungan kundi sa damdaming nararanasan
 
Kaya nga sa pagitan ng isang relasyon, o sa anumang sitwasyon masasabi kong hindi perpekto ang pag ibig. Dahil ang pag ibig na pinag uusapan natin ay para sa kapwa tao; BF, GF, crush, ka-MU (ka-m.u/ ka-mutual).Nagiging perpekto lang ang pag-ibig kung ito'y mula sa Diyos dahil sakanya talaga ito unang nag-exist. Kumabaga PURE kaya walang bahid ng anumang dahilan para hindi maging perpekto.

Dito sa mundo, inuulit ko, sa anumang relasyon o sitwasyon, hindi perpekto ang pag-ibig. Laging may status na "its Complicated". Kahit na ipaglaban mo sa harap ko ngayon na masayang masaya ka sa buhay pag-ibig mo ngayon, masaya ka lang dahil may dahilan at ok kayo kaya hindi mo masyadong pansin ang Negatives..


Basta! hindi perpekto!. . Malamang dahil nga ito ay isa lamang damdamin.. Hindi sakto ang binibigay ang dulot sa atin. Bakit ba kasi walang subject para dito? hahahaha. . "ok class I'm your teacher on Love"- hahaha. .

walang ganun eh. . Walang formulas para makuha ang sagot sa mga problema kapag napo-fall ka na, walang mapa kung saan mo makikita ang taong mahal mo, walang dictionary para sa mga salitang di mo masabi, walang encyclopedia para malaman ang hindi mo maipaliwanag na nakikita, nadarama, nagagawa at pinaka huli, walang machine kagaya ng x-ray, stethoscope, c.t scan ang makakapaglocate kung alin ba talagang bahagi ng katawan ang nagmamahal at nasasaktan para magkaroon prevention sa paglala nito. Dibdib ba? ribs? puso? baga? likod? paa? tuhod? balikat? ulo?


Walang timbangan ang makakapagsabing sumusobra ka na, walang stoplight na magsi-signal ng stop, Go, and Wait.
 

WALA lahat ang bungang ipinundar ng ating mga kaisipan. Wala sa ni isa mang henyong nakilala sa mundo ang nakapaliwanag at nagturo sa atin ng  pag-ibig. . Tayo lang mismo ang nag-aaral nito. .kung kayat di natin maiwasn magkamali.. dahil sa pagkakamali dun natututo. .

basta. . Pakiramdaman nating mabuti at humingi ng guidance kay LOrd, For sure bibigay din Nya yan. . sa tamang panahon. . wag mainip sa oras at panahon na lilipas.,mas masarap maghintay.


0 comments: