THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Thursday, September 16, 2010

That's What Friends Are For

Minsan natanong sa akin ng mga taong kapwa ko walang magawa sa buhay kung kilala ko daw ang sarili ko.  Nosebleed ako sa tanong na yun hah! 

 Ang sagot ko, malamang sa oo.  Although may mga pagkakataon na nalilito ako sa mga bagay-bagay pero most of the time, alam ko ang mga reactions ko sa mga situations na dadating sa buhay ko.  Alam ko rin usually kung paano ko sosolusyonan ang mga ka-shitan ko sa buhay.  Pero siyempre I must admit na di naman ako perpekto. Ang masama nga niyan feelng ko lagi pa rin akong sablay kahit alam kong lagi akong nag re-reflect sa buhay.  Yes sister and brother, lahat naman tayo siguro pumapalpak sa buhay. 

Kaso lang, masyado naman na siguro akong mayabang kung sasabihin ko na alam ko ang mga bagay na dapat ituwid sa buhay ko.  Kasi ang tanong talaga diyan ay “Alam ko nga, naitutuwid ko naman ba?”   
Malamang sa hinde… kasi dahil kilala ko nga ang sarili ko…  I know that it would take some time bago ko mailagay sa kukote ko na diko na dapat ulitin pa ang mga kapalpakang iyon.

21 Days.  You have to do something consistently for a minimum of 21 days before it becomes a habit.  Narinig ko na to noon.  Diko pa nata-try ito, seriously.   There must be 2 reasons why this is difficult for me.


Una, alam kong tamad akong tao and I wouldn’t last 21 minutes to change something in my routine.  Example… mag-ayos ng sarili…  (example lang yan okay?)  Before the deed, I would of course think about it…  and dahil kilala ko na ang sarili ko na I would definitely drop that idea, I wouldn’t even try picking up my big butt… UNLESS a friend tells me that I really look untidy which brings me to point number 2.

I am very unfortunate to have the nicest friends.  They could never tell me that I look pangit or mukhang ewan kasi they don’t want to hurt my feelings.  Ang nice nila supperr.  Anyway, ano ba talaga ang tinutumbok nitong ka-blog-gastugang ito? 
Ang tanong dito really is…  Kayo ba, naiinis ba kayo sa akin?  May mga habits ba ako na kinaiinisan niyo at dahil sobra kayong mabait hindi niyo masabi-sabi sa akin?  Open naman ako sa mga corrections, kaya lang this correction has to be artistically said para di ako masaktan.  (Siyempre may “kaya lang” dun noh?) 

Seriously, kahit na gaano ka-ganda ang pagkakasabi mo sa isang tao na mabaho ang ngala ngala niya…  pagtalikod niya, masama pa rin ang loob niya sayo, diba?  eh bakit nga naman?  Simple, because the truth hurts… Kampante siya sa pagiging bad breathe niya eh, pakialam niyo ba?  Meganung mga bagay.   Bakit ba itong bad breathe pa na to ang ginawa kong example haay!

Pero di naman talaga ito ang point ko… 
Lahat tayo may mga kinaiinisang tao.  Ang attitude ko towards that… kapag diko friend, deadma!  Kapag friend ko naman, hindi ako maiinis, pero definitely, he/she will have a piece of my mind.  Alam kasi ng mga friends ko, (fortunately) na sino ba naman ang magsasabi sa kanila ng hindi magandang pag-uugali nila kundi mga kaibigan nilang malapit sa kanila diba?

Isa pang attitude ko kapag naiinis ako sa isang tao, lagi akong may benefit-of-the-doubt about that person.  Like, kung kagaya niyo ako mag-isip, iisipin kong, siguro may gum disease lang yung tao, and maybe singawin talaga siya kaya bihira kung mag-toothbrush kasi masakit nga naman kapag laging nadudukdok ang singaw sa tutbras.  

Pinipiplit kong intindihin kung bakit ganun ang isang tao.  Laging may mga tanong na “Aware kaya siya sa ginagawa niya?”  “Alam kaya niyang nakakainis na siya?”
Kaya ang point ko talaga is this (ito pa lang ang point mo talaga hah?)
I believe you will become a better person kapag may mga kaibigan kang nagchi-chismis ng mga bagay na di nila kayang sabihin sayo.  This way kasi, nagiging habit na sa kanila ang sabihin ang isang bagay na hindi maganda.  And then eventually, after 21 days na pinag-uusapan ka, nagiging artistic na ang pagsasabi nila ng hindi magandang ugali mo later, kaya hindi ka na masyadong masasaktan.  Ito yung klase ng mga kaibigan na kapag may problema ka , sasabihin nila sayo ang ayaw mong marinig.  Masakit pero it saves you from humiliation from other people who are not your friends.  Like for example…kapag ang boses mo eh hindi na kanais nais sa pandinig sa tuwing may videoke session or kapag sobra ka nang epal sa harapan nang ibang tao na talaga namang tornado na ang kaeeklabu mo…  mabuti yung may kaibigan kang nagsasabi na… “namanhid ang tenga ko sayo ha, please lang kalimutan mo na ang pangarap mong maging singer”  Or “uy hindi halata sayo na mayaman ka kaya tigilan mo na ang pagpapanggap mong sosyal ka, mas bagay sayo ang mag-inarteng hampas lupa, pramis!”

Or kung naririndi ka na sa kada-drama ng friend mo tungkol sa mga kalalakihan niya sa buhay kaya mong sabihin ang mga advise na ganito…“Sister, lika dito at tulungan mo akong magpakamatay para matigil na ang kalbaryo ko sa kadramahan mo sobra sobra na ang stress na naidudulot mo kaya mahiya ka naman sa akin dahil hoy, hindi naman kaguwapuhan yang jowa mo para pag-aksayahan mo ng brain cells idagdag mo pa na isa siyang big-waste of tear ducts (whatever)”   Pero sasabihin mo yan ng mabilis na mabilis… sige go balik ka ulit dun sa naka-italics and this time bilisan mo ang pagbasa nang hindi humihinga okay, at wag kalimutan ang smiles habang sinasabi mo to para kahit na imbiyerna ka na eh tatanggapin pa rin niya ang mga words of wisdom mo.
But the bigger question there is (sasabunutan na kita, dipa ba tapos ang mga questions mo sa sarili mo???)…  

Paano kung dimo siya friend?  Paano kung friend lang siya ng friend mo at palagi siyang kasama kapag may lakad kayo?  Paano mo maiiwasan ang humahagupit na bagyo kapag nag-uusap kayo (bad breathe issue ulit, hehehe)  At hindi mo na talaga matiis ang ka-epalan at kadramahan niya sa buhay?  Ia-applay mo pa rin ba ang 1) 21-day rule sa kanya?   O ang 2) benefit-of-the-doubt rule kaya?  3) Maaawa ka ba sa taong ito dahil alam mong wala siyang kaibigan na magsasabi sa kanya na hindi na talaga pumapatok ang ka-eklatan niya sa ibang tao? 


Tsk, knowing myself, dun ako sa number 3).  What turns me off lang kasi talaga eh yung mga taong plastic at sosyal dahil siguro di ako ganun eh. Major major baduy akong tao and the major reason behind this is because kinatatamaran ko ang magpa-impress.  Malaking effort kaya yun?  Kaya kapag may mga taong super pa-impress sa ibang tao, naaawa talaga ako sa kanya.

Awa naman ng Diyos may mga taong tanggap ako bilang ako. Oo’t magkakapikunan pero walang taniman ng sama ng loob.  Magkaka-listahan ng ka-utangan pero at least walang payabangan…  walang inggitan… walang plastican…  Listahan lang ng mga birthday ang pinanghahawakan, at listahan ng mga mabubuting bagay na nagawa sa isa’t isa.  Para sa akin yun ang tunay na ipagmamayabang.  Mapalad ako dahil sa dami ng kapalpakan ko sa buhay, masasabi konghindi ako pumalpak sa mga kaibigan ko.


0 comments: