THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Wednesday, November 24, 2010

Masaya Ang Buhay

 

masaya ang buhay. masaya dahil sa maraming bagay. ngayong araw na to gagawin ko lahat ng kailangan kong gawin. dahil pag natapos ko na ang mga 'to, pwede na ako matulog. ayan. parang walang kwenta lang. napaka-simple. pero, mahirap. bakit nga kaya mahirap?

masaya ang buhay. ngayong araw na ito pipiliin kong huwag mabagabag tungkol sa kahit anong bagay. makapangyarihan ang Diyos at mahal niya ako. walang makapagpapataob sa akin. ayan. simple ulit. sana magawa. :)

masaya ang buhay. ngayong araw na ito magpapasaya ako ng mga kaibigan ko. pipiliin ko ang bawat salita na aking sasambitin at aksyon na aking gagawin patungo sa kanila. dahil... masaya ang buhay dahil sa kanila.

masaya ang buhay. ngayong araw na ito kakain ako ng tama. para maging malusog at makapag-isip ng tama. simple. sana magawa.

masaya ang buhay. ang buhay ay masaya. oo, minsan hindi maginhawa, pero, masaya.

masaya ang buhay. ang buhay ay masaya. oo, palaging may problema, pero, masaya.

masaya :)

0 comments: