THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Wednesday, November 24, 2010

Story: Si Punong Saging at si Punong Manga



 Noong unang panahon magkaibigan pa ang Punong Saging, at ang Punong Manga. ^_^
 Sa tuwing magbubukang-liwayway ay sabay silang gigising, haharap sa bagong gising din na si Haring Araw, ngingiti, at sasabihing: Waaaaaw… Aaaastig….
 Sa Breakfast ay sabay silang maghuhulog ng mga prutas na kakainin ng mga Manong at Manang na nakatambay sa ilalim nila.
 Sa Brunch time naman, kung kailan mainit na si Haring Araw, sinusubukan nilang sabay na palakihin ang kanilang mga Koronang gawa sa Dahon at bigyan ng kumportableng lilim ang mga Kuya at Ate na namamahinga sa ilalim nila.
 Kapag Lunch na, kapag tapos nang makapitas ang mga Totoy at Ineng ng kanilang mga prutas, si Punong Saging at si Punong Manga ay magjojoke-time.
 Tatanungin ni Manga si Saging ng joke na parang ganito: ‘Anung first name ni Zaido?’ Tapos sasagot naman si Saging ng parang ganito:’Ano?!’ Tapos sasabihin ni Manga:’Sui! Tapos kakanta ng suicidal… Suizaido… Suizaido…’
 Wahaha astig sila.
 Tapos tatawa si Manga kaso si Saging hindi. Sasabihin ni saging: Angkorni mo araw-araw mo na tong joke sakin simula nang ipinalabas ang Zaido sa GMA! Tapos sasabihin ni Saging: oo na… oo na… ^_^
 Tapos hihirit si Manga: Saging ka lang mas mahal ako sayo… kasi ako, pag binenta… per kilo… ikaw isa-isa lang…
 Sasabihin ni Saging: oo alam ko, Saging lang ako… pero maghanap ka ng puno sa buong Pilipinas… saging lang ang may pusoooooo! Saging laaang!!
 Manga: Akala mo lang meron! Pero wala, WALA, WAAALLLAAA!!!
 Tapos dun na sila tatawa hangang dumating si Hanging Amihan para sila’y patahanin sa pagtawa.
 (Corny talaga sila Punong Saging at Manga pero masaya parin sila kasi… ewan ko…)
 Nang sinabi ni Manga na ‘akala mo lang meron, pero wala, wala, wala…’ may iba siyang ibig sabihin. May gusto kasi siya kay Saging. Ahahaha… ^_^
 Isang malamig na bukang-liwayway, nang gumising silang dalawa at sinabing: ‘Waaaaaw… Aaaastig….’ ay kinausap sila ng Haring Araw.
 “Hey yo, Punong Saging at Punong Manga! Wasap wasap! Ako ang Haring Araw. Wala lang. Kasi sa tuwing bukangliwayway ay nakikita ko kayong dalawa na nakangiti at sinasabing ‘Waaaaaw… Aaaastig….’ Wala lang. Natutuwa ako sa friendship niyo. Yo yo yo. Sana di yan magbago, yo.”
 “Okeeeey!” sabi ni Saging.
 Pero nakita ni Saging na hindi sumagot si Manga at mukha itong balisa.
 “Anung problem kaibigang Manga, ayaw mo na ba kong friend?”
 “Hindi, Saging matagal ko na to tinatago… Gusto ko sana maging more than friends na lang tayo.”
 (Ahahaha..)
 “Ano?! Kelan pa?” nagulat si Saging. “Alam mo naman na friends lang talaga ang pwede..”
 “Oo nga eh. Badtrip.”
 “Manga ka, Saging ako. ‘Di pwede.”
 “Alam ko.” (sad face)
 “Haaay Manga. Hindi na tayo pwedeng sabay na mag-‘waaaaw aaaastig’ kay Haring Araw niyan!”
 “Bakit naman?”
 “RM ka eh” (wrong motive)
 “RS ka naman.” (wrong spelling)
 At doon nagtapos ang friendship nila.
 ``o0o``
 interpretation:
 mahirap mag-worship kung may iba tayong dalang baggage sa puso natin. ^_^
 ahahahaha…. Ayos ba yun?…
 bless God. ^_^

0 comments: